Search
  • BULGAR

Huling lalaki na raw sa buhay niya… BEA, SURE NA SI GERALD NA ANG PAKAKASALAN

Julie Bonifacio / WINNER!

INAMIN ni Bea Alonzo sa Tonight with Boy Abunda na si Gerald Anderson na ang lalaking gusto niyang pakasalan.

Nag-guest si Bea sa talk show ni Kuya Boy para sa promo ng latest movie niyang First Love with Aga Muhlach directed by Paul Soriano. Wish pa ni Bea na si Gerald na ang huling lalaki sa buhay niya.

Kita naman sa mga mata ni Bea na sobrang happy siya sa piling ni Gerald. Hopefully, matuloy sa simbahan ang relasyon nila.

But when asked kung sino ‘yung first guy na winish niya na makasama sa altar, tumanggi si Bea na magsabi ng name. Napaisip tuloy kami kung sino ‘yung first boyfriend ni Bea sa showbiz.

Nope, ‘di po si John Lloyd Cruz ang unang boyfriend ni Bea, pero si Lloydie ang kanyang first kiss on screen. Fifteen years old lang daw siya that time.

Si Mico Palanca, brother of Bernard Palanca, sa pagkaka­alam namin ang unang boyfriend ni Bea. Then, na-link siya kay Gerald, pero naudlot dahil ipinu-push pa ang love team noon nina Gerald at Kim Chiu. Hanggang sa naging boyfriend ni Bea si Zanjoe Marudo.

Anyway, last time na nakausap namin ang magandang aktres na si Isabel Rivas who plays Alpha on ABS-CBN’s new daytime drama series na Los Bastardos, nabanggit niya na siya pala ang nag-influence at nag-encourage kay Bea na bumili ng farm.

Nagkasama sina Isabel at Bea sa teleseryeng Guns and Roses with Robin Padilla and Diether Ocampo nu’ng 2011. Doon ay nakakuwentuhan ni Isabel si Bea about her farm sa Zambales kung saan tagaroon ang veteran actress.

Kuwento ni Isabel sa amin, mula sa four hectares ay naging 30 hectares na ang kanyang farm sa Zambales. Laking pasasala­mat niya sa kanyang best friend na tagapangasiwa ng kanyang farm.

Dahil d’yan, nahikayat niya na bumili ng farm si Bea. May sampung ektarya raw ang biniling farm ni Bea sa Zambales para sa kanyang ina. Mga puno raw ng mangga ang nakatanim sa farm ni Bea.

For sure, isa lang ang kan­yang farm sa napakarami pang investments ni Bea. Kaya mapalad ang pakakasalan ni Bea, rich and famous na, umaapaw pa ang ganda.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.