Search
  • BULGAR

SOARING FALCONS, MAKADAPO SA TUKTOK NG STANDINGS ANG PAKAY


MAKASALONG muli sa pamumuno ang tatangkain ng Adamson University sa pagsabak nila ngayong hapon sa pagpapatuloy ng ikalawang round ng UAAP Season 81 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay. Makakasagupa muli ng Falcons ang season host National University sa tampok na laro ng 4 p.m. pagkatapos ng unang laban sa pagitan ng De La Salle University at ng University of the East ng 2 p.m. Magtatangka ang Falcons na duplikahin ang 63-59 na panalo nila kontra Bulldogs noong Set. 29 upang muling makatabla sa kasalukuyang nangunguna at defending champion Ateneo de Manila na may 6-2, panalo-talong baraha.

Tatangkain din ng Falcons na makaahon mula sa dalawang sunod na pagkatalong nalasap nila sa pagtatapos ng unang round sa pagsisimula ng kampanya nila sa second round.

Taglay ang kabaligtarang 2-5, panalo-talong kartada, sisikapin ng Bulldogs na palakasin ang tsansa nila sa Final 4 sa pamamagitan ng tangkang pagbawi sa Falcons.

Samantala sa huling laro, inaasahang sasakyan ng Green Archers ang momentum ng nakaraang 79-78 na overtime na panalo nila kontra Falcons noong Sabado sa pagtatangka nilang duplikahin ang 82-72 panalo nila noong Set. 23 kontra Red Warriors. Sa panig naman ng Red Warriors, uumpisahan nila ang pag-ahon mula sa kinalalagyang buntot ng team standings. (VA)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.