Search
  • Mylene Alfonso

Namemeke ng ATM at credit cards, timbog

ARESTADO ang isang lalaki na gumagawa ng mga pekeng ATM at credit card sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Nakumpiska sa suspek na si Gerard Joseph Liwag, ang 80 piraso ng iba’t ibang credit cards, pekeng pasa­porte, card printer, embos­sing machine, high-defini­tion printer, removable storage device, skimming device, laptops, point-of-sale card ter­minal, USB hub at mga blank card.

Isinagawa ng NBI ang operasyon noong Oktubre 9 sa isang condominium sa nabanggit na lugar sa bisa ng arrest order ng Pasig RTC base sa reklamo ng isang commercial bank dahil sa paggamit ng pekeng ATM at credit cards.

Bahagi umano si Liwag ng sindikato na ang target ay mall at casino sa Metro Ma­nila at Metro Cebu.

Ayon sa NBI, modus-ope­randi umano ang pagku­ha ng mga credit card infor­mation sa pamamagitan ng call centers at iba pang skim­mers sa ibang business es­tab­lishment para alamin kung magkano ang available limits at expiry date ng mga na­kopya nilang credit cards.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.