top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Nagta-tablet sa beach, sapol | 13 YRS. OLD PATAY SA KIDLAT

Jeff Tumbado
Oct 17, 2018
1 min read

NAUWI sa trahedya ang dapat sana’y masayang se­lebrasyon ng kaarawan, ma­karaang masawi ang isang 13-anyos na lalaki nang tama­an ng kidlat sa Pontevedra, Negros Occidental.

Kinilala ang biktima na si Leonard Deles, first year high school student, na nag­tamo ng grabeng pagkasu­nog sa malaking bahagi ng kanyang katawan.

Naitakbo pa ang bina­tilyo sa Valladolid District Hospital subalit, binawian din ito ng buhay.

Ayon kay Police Senior Inspector Ryan Salazar, nag­tungo umano sa beach resort ang mag-anak upang ipagdiwang ang ikalimang taong kaarawan ng pinsang babae ng biktima.

Habang nasa kalagitna­an ng selebrasyon, alas-2:00 ng hapon nang biglang su­mama ang panahon at bu­magsak ang malakas na ulan na may kasamang kidlat.

Dito na tinamaan ng kid­lat ang biktima na nagkataong naglalaro ng kanyang gadget na tablet sa kabilang cottage.

Kasabay ng pagsabog ng gadget na hawak ng biktima, nadamay ang mag-amang Job at Juliana Detablan na kasa­ma sa cottage kung saan tu­mama ang kidlat.

Nagtamo ng ka­unting sugat ang mag-ama mula sa su­mambulat na gad­get na ngayon ay ligtas na.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page