Search
  • BULGAR

ARCHER AT GOLFER SA YOUTH OLYMPIC GAMES, TINAPOS NA ANG KAMPANYA


NAGTAPOS na ang kampanya nina Archer Ni­cole Tagle sa 2018 Youth Olympic Games na walang na­kuhang medalya kasama sina golfers Yuka Saso at Carl Janno Corpus sa Buenos Aires, Argentina.

Ang duo nina Corpus at Saso ay umiskor ng eight-over 148 sa huling araw na nabigo sa medal race mata­pos ang 3 rounds sa mixed team event sa Hurlingham Club. Nanatili sila sa kon­tensiyon sa opening day sa four-under, pero nabigo na sa sumunod na 18 holes sa five-over na kinapos pa sa paghahabol sa lumilider na sina Atthaya Thitikul at Vanchai Luangnitikul ng Thailand habang nangunguna na ang US duo nina Lucy Li at Akshay Bhatia.

Napunta ang gold medal kina Thitikul at Luangnitikul habang sina Li at Bhatia ay silver. Nangunguna pa si Tagle, ang Southeast Asian Games silver medalist mata­pos ang 3 sets, 4-2, bago nag­simulang humabol si Alyssia Tromans-Ansell ng Great Brittain sa huling dalawang frames para sa 6-4 victory at tumuntong sa quarterfinals. (MC)

SA mga tagasubaybay ng RENDA AT LATIGO. Sumakabilang-buhay na po kahapon si G. ORLANDO SALES PRIMO dahil sa malubhang karamdaman. Nakalagak po ang kanyang labi sa isang kapilya sa Great Land sa San Pedro, Laguna. Ang lahat ng bumubuo ng BULGAR ay nakikiramay sa kanyang naulila.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.