Search
  • Maeng Santos

Trike driver todas sa 3 riders

DEDO ang isang tricycle driver matapos pagtulu­ngang gulpihin at saksakin ng tatlong riders na unang nakaaway ng biktima sa Ma­la­bon City.

Dead-on-arrival sa Os­pital ng Malabon sanhi ng tinamong mga saksak sa ka­tawan si Jefferson Empleo, 27, ng Bgy. Longos.

Ayon kina SPO2 Jose­lito Bagting at PO3 Alcee Jumaquio, alas-6:45 ng gabi, mina­maneho ng biktima ang kanyang tricycle nang mag­karoon ng komprontasyon sa pagitan nito at ng tatlong lalaki na sakay ng mo­torsiklo sa kahabaan ng Alu­pihang Dagat St., Bgy. Longos.

Umawat sa pagtatalo si Lester Calvan, 26, isang Army reservist subalit, bago umalis ang tatlong riders, isa pang saksi na si Ro­dolfo Pa­ras, 40, ang nagsabi sa mga imbes­tigador na narinig niya ang isa sa mga lalaki na nag­banta ng, “babalikan ko ‘yan”.

Alas-7:00 ng gabi, na­katayo si Empleo sa harap ng kanyang bahay nang du­mating ang tatlong lalaki na umano’y kapareho sa mga rider na unang nasangkot sa pagtatalo ang nagtulung-tu­long sa paggulpi sa biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.