Search
  • MC / Clyde Mariano

TIO, SILVER MEDALIST SA 2018 YOG KITEBOARDING

NAILIGTAS ni

ang kampanya ng Pilipinas nang makasungkit siya ng silver medal sa kiteboarding sa idinaraos na 2018 Youth Olympic Games sa Buenos Aires, Argentina.

Tumapos ang 17-anyos na segunda sa final race ng men’s kiteboarding noong Linggo para sa ikaapat na araw ng pagbanat ng ‘Pinas para sa silver performance ending sa halos isang linggo na karera sa Club Nautico San Isidro.

Sumalo rin si Tio sa second-place kay Toni Vodisek ng Slovenia habang si Deury Corniel ng Dominican Republic ang naka-gold medal matapos pagwagian ang tatlo sa anim na karera sa final race noong Linggo.

Ang kompetisyon ay dapat matata­pos na noong Biyernes pero dahil sa kakulangan nang malakas na hangin ay napuwersa ang organizer na kanse­lahin ang ilang mga karera.

“My mindset was just to go for it and enjoy,’’ ayon kay Tio. “Thank you for everyone who supported me, giving all the love.’’

Dalawang buwan na naghanda si Tio at apat na linggo sa Dominican Republic at apat na linggo sa Buenos Aires upang makondisyon ang katawan at isipan sa torneo. “I didn’t suffer from jetlag. I was fully rested after arriving here early,’’ sabi ni Tio, na plano nang umuwi agad sa ‘Pinas.

Umabanse pa sina Archer Nicole Marie Tagle at partner na si Hendrik Oun ng Estonia sa quarterfinals para sa mixed international event nang talunin sila nina Rebecca Jones at Chihchun Tang ng Chinese Taipei, 5-1 ng New Zealand sa Parque Sarmiento archery range. “Medyo mahangin po kanina at naapektuhan nito ang performance ko,’’ ayon kay Tagle, ang Southeast Asian Games silver medalist noong 2017 sa Kuala Lumpur. Ang 17-anyos mula Dumaguete City ay may iba pang tsansa sa medalya sa sandaling makaharap niya si Alyssia Tromans-Ansell ng Great Britain sa round of 16 women’s individual recurve ngayong Martes.

Sina Yuka Saso at Carl Janno Corpus ay umiskor ng five-over 75 para sa 18th place sa mixed team event habang pakay ng tander na habulin ang liderato nina Atthaya Thitikul at Vanchai Luang­nitikul ng Thailand sa final round habang isinusulat ito kahapon.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.