- Joy Repol Asis
Restaurant at coffee shop binomba, 16 todas
Hindi bababa sa 16 katao ang patay habang mahigit 20 ang sugatan makaraan ang ilang suicide bombings sa southwestern Baidoa, Somalia.
Ayon sa pulisya, pito ang nasawi sa unang pagsabog habang siyam naman sa ikalawang pagsabog.
Batay sa ilang saksi na dalawang suicide bombers ang nagpasabog ng kanilang suot na vest sa restoran at coffee shop sa lugar.
Naganap ang pagsabog isang araw bago ang unang anibersaryo ng truck bombing sa Mogadishu kung saan umabot sa 500 ang nasawi.