Search
  • Jeff Tumbado

Pumalag sa raid | MAG-UTOL NA ISIS, UTAS

TODAS ang magkapatid na umano’y mga miyembro ng terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya sa bahagi ng Mindanao.

Magkasabay na sinalakay ng mga awtoridad sa bisa ng search warrants ang pinagkukutaan ng mga suspek na sina Norton Sinapan at Norhan Sinapan sa Bgy. Lapulabao at Aplaya sa Hagonoy, Davao del Sur.

Ayon kay Police Sr. Supt. Ferlu Silvio, nag-umpisa ang engkuwentro sa dalawang target sight nang paputukan ng magkapatid na Sinapan ang papalapit na raiding team sa kanilang pinagtataguang bahay.

Dead-on-the-spot ang magkapatid matapos makipagbarilan sa pulisya.

Nabatid sa report na si Norton ay itinuturing na lider ng teroristang grupong Dawlah Islamiya-Digos Cell, isang terror at organized crime group na nakipag-alyansa sa ISIS.

Nakarekober ang mga awtoridad mula sa bahay nina Norhan at Norton ng dalawang .45 caliber pistols; 2 fragmentation grenades; isang improvised explosive device at dalawang pirasong bandera ng ISIS.

Ang magkapatid ay siyang itinuturong mga kasabwat sa ilang serye ng pambobomba sa Davao City at General Santos City nitong nakalipas na ilang linggo.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.