Search
  • BULGAR

Partylist ni Mocha, sabit sa pork barrel scam? Nakupo!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

DAHIL KAY MOCHA KAYA NAIS NANG BUWAGIN NI P-DU­TERTE ANG PCOO? —Kung matutuloy ang pagbuwag sa Presidential Communications Operations Office (PCOO) para palitan na ito ng Office of the Press Secretary (OPS) ay lumalabas na may koneksiyon sa pagre-resign ni ex-Asec. Mocha Uson ang pagbuwag sa PCOO.

Matapos kasing mag-resign si Mocha, ang kasunod nito ay ang pagpapabuwag ni P-Duterte sa PCOO.

Kung ang dahilan ni P-Duterte kaya niya ipi­nabubuwag ang PCOO ay dahil wala na si Mocha sa PCOO, aba, sobrang lakas ni Mocha sa pangu­lo kasi nang dahil sa kanya ay napa­kaimpor­tanteng ahen­si­ya ng gob­yerno ang ipi­na­buwag ni P-Duterte, boom!

◘◘◘

PARTYLIST NI MOCHA, SABIT SA PORK BARREL SCAM — Nag-file na si ex-PCOO Asec. Mocha Uson ng kanyang kandidatura bilang re­presentante ng AA-Kasosyo Partylist, ang partylist na nasangkot noon sa pork barrel scam ni Pork Barrel Queen Janet Napoles.

Hanep, ah, mantakin ninyo, sa dinami-rami ng partylist na puwe­deng salihan ni Mocha, eh, ang napili niyang i-represent sa Kongreso ay ‘yung partylist na nagkamal sa pera ng bayan, buwisit!

◘◘◘

BUTI PA SA MGA CHINESE, MAY MA­LASAKIT SI P-DU­TERTE PERO SA MGA MARALITANG ADIK AT RUNNER NG SHABU, TEPOK AGAD — Sabi ni P-Duterte, huwag daw munang ibintang sa mga Chinese ang pagbaha ng shabu sa bansa at dapat daw ay magkaroon muna ng imbestigasyon dito kung sino mga may-ari ng drug shipment na naipupuslit sa Bureau of Customs.

Buti pa ang mga Chinese, sobrang pinagma­ma­lasakitan ni P-Du­terte, pero ang mga mara­litang adik at runner ng shabu, mga suspek pa lang, todas na, hu-hu-hu!

◘◘◘

KABATAAN ANG NIRARAKET NI ‘RICO’ SA KAN­YANG VK SA CA­LAM­BA AT CABU­YAO —Kabataan daw ang karamihan sa mga parukyano ni “Rico” sa kanyang video karera operations sa Calamba at Cabuyao cities, kapwa sa Laguna.

Paging Laguna PNP Director Sr. Supt. John Kraft baka puwedeng pakisabihan sina Ca­lam­ba City Police Station Commander Supt. Jose­lito de Sesto at Cabuyao City Police Station Commander Supt. Arvin Avelino na paki-"tok­hang” na si “Rico” para matigil na ang panrara­ket nito sa kabataan, plis!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.