Search
  • Levi Gonzales

Misis dadalaw sa mister | SHABU SA BULAK, BUKING

KALABOSO ang dala­wang dadalaw lamang sa selda matapos mahulihan ng sinasabing shabu sa Lock-Up Jail, Batangas City.

Batay sa ulat, alas-6:10 ng gabi, bibisitahin ng suspek na si Ria Sambajon alyas Yang, kasama si Edwin Var­gas, ang kanyang mister na nakakulong sa loob.

Agad sinuri ang dala nila saka natunugan ang kahina-hinalang kilos nilang dalawa.

Masusing sinuri ang bag nito kung saan tumambad ang bulak hanggang sa ma­diskubre sa loob ang apat na pirasong sachets ng hinihi­nalang shabu.

Nauna rito, nahuli ang asawa nito sa isang buy-ope­ration sa SM Bicutan, Para­ñaque City.

Nasa kustodiya na sila ng Batangas City Police Station habang inihahanda ang kaso laban sa kanila.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.