Mga nagbebenta ng boto, masaya ang Pasko, tsk, tsk, tsk!

NGAYON na magsusumite ng COC si Gov. Imee Marcos.
Iyan ang text ng beteranong brodkaster na si Ka Popo Villanueva.
Kinumpirma ‘yan nina ex-KB Presidents Clinton Olalia ng Pampanga at Machie Figueroa ng Cavite.
◘◘◘
BATAY sa mga survey, consistent sa Magic 12 si Gov. Imee.
Nasapawan na niya ang grupo ng mga militante.
◘◘◘
DALAWA ang naghati sa P1.1 bilyong lotto jackpot.
Sana nga!
◘◘◘
MARAMI na ang umatras sa pagka-senador.
Malalaki ang tama nila!
◘◘◘
BAKIT hindi inuupakan ng Malacañang ang Smartmatic?
Baka sila ang papaboran?
◘◘◘
HINDI na itutuloy ang ikalawang bugso ng TRAIN Law.
Pero, ‘yung una, stay pa rin!
◘◘◘
NAGPAPARAMI ng jet fighters ang Japan.
Ang Pilipinas, nag-mass production na ng saranggola, para makontrol ang air space.
◘◘◘
HINDI ibinubunyag ng Malacañang kung sinu-sinong kandidato ang suportado ng mga drug lord.
Sino kaya ang mag-e-expose?
◘◘◘
ANG resulta ng 2019 elections ay panukat sa magwawaging pangulo sa 2022.
Talaga?
◘◘◘
BUMALIK na ang ulan.
Huh, pautot lang ‘yan!
Tag-araw na, eh!
◘◘◘
MAGASTOS ang darating na Pasko.
Kampanyahan na kasi.
◘◘◘
MASAYA ang Pasko sa mga botante.
Doon sa mga nagbebenta ng boto.





Comments