Search
  • BULGAR

Bago matapos ang taon | 3 PANG BAGYO, HAHATAW


NASA dalawa hanggang tatlong bagyo pa ang mana­nalasa sa bansa bago mata­pos ang taong ito ayon sa PAGASA.

Sa ngayon, may 17 bagyo na ang dumaan sa bansa.

Samantala, hindi naman nakakita ng kahit anong sama ng panahon sa loob ng bansa sa susunod na dalawa hanggang tatlong araw.

Sa ngayon, nakaaapekto lamang ang intertropical con­­vergence zone (ITCZ) na mag­dadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Palawan, Eas­tern Visayas at Mindanao.

Ang natitirang bahagi na­man ng bansa kabilang na ang Metro Manila ay maka­rara­nas ng maalinsangang pa­nahon maliban na lamang sa mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thun­der­storms. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.