• BULGAR

Taga-Palasyo na nagpa-pakatuta sa China, turuang maging makabayan, period!

PABLO L. HERNANDEZ III / PRANGKAHAN

DAHIL SA KANYANG TRAIN LAW KAYA BU­MAGSAK SI ANGARA SA RATING?—Kung sa mga nakaraang survey ay laging pang-anim sa ranking si Sen. Sonny Angara, eh, sa latest survey ng SWS ay bu­magsak na siya sa pangsiyam.

Siguro, maraming Pinoy na rin ang nakaaalam na si Sen. Angara ang kinasang­ka­pan ni P-Duterte para maipasa sa Senado ang TRAIN Law na nagpapa­hirap sa mamamayan kaya unti-unti nang bumabagsak ang kanyang rating sa mga survey.

Kung nais ni Sen. Angara na bumalik sa dati ang kanyang ranking sa survey, dapat pangunahan na niya sa Senado ang pagpapa­suspinde sa TRAIN Law at mag-sorry sa publiko, period!

◘◘◘

TAGA-MALACA­ÑANG, DAPAT TURU­AN NG PNP CHIEF NA MAGING MAKABA­YAN —Nais ni PNP Chief Gen. Oscar Albayalde na turuan ang state university students tungkol sa nationalism o pagiging makabayan para raw hindi na nag-rally ang mga ito laban sa gobyerno.

Ganu’n, hindi kaya ang mainam na turuan ni Gen. Albayalde sa pagiging maka­bayan ay ang mga taga-Mala­cañang na nagpapa­katuta sa China? Boom!

◘◘◘

BATANGAS PD QUI­LATES, IPINANGHI­HINGI NG PAYOLA NG GRUPO NI ‘ABCEDE’ —Ipinanghihingi raw ng mga “tongpats” collector na sina “Abcede”, “De Guzman”, “Allan” at “Digoy” ng weekly payola sa operators ng drop balls at color games si Batangas PNP Director Sr. Supt. Edwin Quilates.

Ang tanong: May basbas ba ito ni PD Quilates? Kung walang basbas ni PD Qui­la­tes ang raket nina “Abcede”, “De Guzman”, “Allan” at “Digoy”, aba, dapat na niyang ipa-”tokhang” ang apat na “tongpats” collectors na ito, pati na ang operators ng drop balls at color games sa Batangas, period!

◘◘◘

SINO ANG PADRI­NO SA CUSTOMS NINA ‘TINA U’, ‘JRT’ AT ‘MANNY S.?’—Kung ang ibang smuggler daw ay pansamantalang itinigil ang kanilang raket sa Bureau of Customs dahil sa mainit na isyu ng puslitan ng shabu sa Adwana, eh, sina “Tina U”, “JRT” at “Manny S.” daw ay tuloy pa rin ang smuggling activities sa Bureau of Customs.

Sino kaya sa mga tauhan ni Commissioner Isidro Lapeña ang padrino ng tatlong smugglers na ito kaya hindi sila naglulubay sa kanilang raket sa Adwana? Abangan!

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.