- Clyde Mariano
MGA KALAHOK SA PLAY ‘N LEARN SPORTS FOR FREE, DUMARAMI

SA loob ng tatlong sunod na linggo pumalo ng mahigit 1,000 ang lumahok at ang 1,324 ang pinakamalaki ang nagpapatunay marami ang nahilig sa Learn and Play Sports for Free na ginagawa tuwing Linggo sa Rizal Park.
“The big number evidently showed many people from all walks of life got addicted to the two hours sports activities,” sabi ni property head at in-charge Norberto “Boy” Dingalasan.
Kasama sa coaches sina national chess mentor Cesar Caturla at Engel Reondola ng lawn tennis.
Ang zumba ang may pinakamalaking bilang na may 891 kalahok na karamihan ay babae na pinangasiwaan ng instructors/instructress na accredited ng Philippine Sports Commission ni Chairman William Ramirez.
Pumangalawa ang chess 90, badminton 83, volleyball 33, karatedo at lawn tennis 23, football 21, at arnis, 20 na pinamumunuan ni Senator Miguel Zubiri.
Ang Learn and Play Sports for Free ay ini-akda ng Malacañang sa bisa ng Executive Order ni President Rodrigo Roa Duterte upang palaganapin ang palakasan para sa mas matalas na isipan at malusog na katawan ng mamamayan.
Hindi lang sa Metro Manila ang nasabing sports activities partikular sa Quezon City Circle at Pinaglabanan Park sa San Juan, ginagawa rin ito sa ibang lalawigan at siyudad sa Luzon, Visayas at Mindanao tuwing Sabado at Linggo.