Malinaw ayon sa birthday...BEBOT NA NAKATAKDANG UMASENSO ANG CAREER
- BULGAR

- Oct 15, 2018
- 3 min read
Dear Maestro,
Kasalukuyan akong salesclerk sa isang mall. Kailan kaya ako magkakaroon ng maganda at regular na career?
November 21, 1993 ang birthday ko habang March 25, 1995 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Compatible ba kami at kami na ba ang magkakatuluyan?
Bago lang ang relasyon namin, pero dati na kaming magkaibigan. Sana, mabigyang-pansin ninyo ang katanungan kong ito.
Umaasa,
Wella ng La Luna, Santo Tomas, Pangasinan
Dear Wella,
Kung ikalawang boyfriend mo na siya o ikatlo, sinasabing ang birthday mong November 21, 1993 at March 25, 1995 naman ang boyfriend mo ay sadyang compatible para sa isa’t isa na ngangahulugang malaki ang tsansa na kayo na ang magkakatuluyan at magsasama sa pagbuo ng isang maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Samantala, ang birth date mong 21 o 3 (2+1=3) sa destiny number na 9 (11+21+ 1993=2025/ 20+ 25=45/ 4+5=9) sa zodiac sign na nasa pagitan ng Scorpio at Sagittarius ang nagsasabing medyo may kalituhan at sadyang magulo ang mangyayari sa career mo, tulad din ng iyong zodiac sign na hindi mo malaman kung Scorpio o Sagittarius, na sa teknikal na termino ay tinatawag ding “cusp”.
Ang “cusp” ay tulad din ng papaalis at paparating na planeta sa isang zodiac sign, alanganin kumbaga ang kanyang puwesto.
Tulad din ng birth date mong November 21, medyo hindi pa ganap na Sagittarius ang nasabing petsa at ang petsa ring ‘yan ay halos papatapos na ang Scorpio at dahil medyo nakalilito nga, halos sa umpisa ay gayundin ang iyong magiging career, tulad ng nasabi na, medyo nakalilito.
Subalit, dahil 21 o 3 (2+1 =3) ang birth date mo na may ruling planet na Jupiter kung saan si Jupiter ang pinakamapalad sa lahat ng planeta sa 12 zodiac signs. Ibig sabihin, darating ang panahong magtatamo ka ng maraming magagandang kapalaran lalo na sa career.
Basta ang mahalaga, mapanaig mo sa pang-araw-araw mong karanasan ang impluwensiya ng planetang Jupiter sa ganitong mga simpleng paraan.
Una, lagi kang magsuot ng kulay ni Jupiter na asul, violet, lila, maroon at red, higit lalo tuwing sasapit ang mga petsang 3, 12, 21, 30, 6, 15, 24, 9, 18 at 27, lalo na kung ang nasabing mga petsa ay natapat sa mga araw ng Martes, Huwebes at Biyernes.
Pangalawa, taasan mo ang iyong ambisyon. Halimbawa, salesclerk ka ngayon, ambisyunin mo na maging supervisor ka at kapag supervisor ka na, ‘wag kang tumigil, ambisyunin mo na maging manager ka.
At kapag manager ka na, ‘wag ka pa ring tumigil na mag-ambisyon, pangarapin mong ikaw ay maging may-ari ng mall na pinagtatrabahuhan mo.
Sa lahat ng pangarap at anumang gusto mong gawin sa buhay, dapat palaging ganyan ang maging konsepto ng iyong isipan, ‘ika nga “ambisyoso o ambisyosa” na siya rin namang totoong nais at talagang ito ang saktong kahulugan ng planetang Jupiter.
Matataas na mga pangarap at ambisyon sa buhay na sa bandang huli ay kusa namang nakakamit ng mga taong naiimpluwensiyahan ng nasabing planeta.
Pangatlo, dapat mo ring malaman na ang iyong mapalad na panahon ay mula sa ika-18 ng Oktubre hanggang sa ika-27 ng Disyembre, mula sa ika-18 ng Marso hanggang sa ika-27 ng Abril at mula sa ika-18 ng Hulyo hanggang sa ika-27 ng Agosto.
Ang batong turquoise naman na ipinalalamuti sa ginto o kaya ay pilak na singsing ang magsisilbing taga-higop ng suwerte at taga-taboy ng negatibong kapalaran, gayundin ang lahat ng uri ng bato o hiyas na kulay violet.
Sa sandaling nasunod mo ang mga simpleng rekomendasyong nabanggit, Wella, tiyak ang magaganap sa taong 2020, tulad ng nasabi na, anuman ang maluluho at matataas mong mga ambisyon at pangarap sa buhay, sa nasabing panahon, sa edad mong 27 pataas, kusa at isa-isa na itong matutupad.




Comments