Search
  • BULGAR

HOTSHOTS MATIBAY SA TOPSPOT BOLTS, ITINIRIK ANG NLEX


TINULDUKAN ng Meralco Bolts ang six-game skid matapos nilang payukuin ang NLEX Road Warriors, 108-105 sa 2018 PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome sa Araneta Coliseum.

Sinalpak ni Baser Amer ang pamatay na tres sa endgame upang hablutin ang pangalawang panalo ng Bolts sa walong laro. Namuno sa opensa para sa Meralco si import Allen Durham na nagtala ng 36 points, 18 rebounds at pitong assists habang may 22 markers si Amer.

Pinalagan agad ng Road Warriors ang Bolts sa unang dalawang periods, hinawakan nila ang three-point lead, 39-36 sa halftime. Rumagasa ang NLEX sa third period kaya naman umalagwa ang kanilang bentahe, 80-66 papasok ng fourth.

Samantala, nakatikim na ng panalo ang Rain or Shine noong Sabado matapos nilang kalusin ang pinapaborang Barangay Ginebra, 104-97 sa Lucena.

Apat na talo ang nalasap ng Elasto Painters bago nahanap ang unang panalo at dahil hindi pa rin naglalaro si center Raymond Almazan ay nagtulungan sina locals Jewel Ponferada, Maverick Ahanmisi at Gabe Norwood sa opensa para tuldukan ang kamalasan.

Kaya naman inaasahang muling kakapitan ng Rain or Shine sina Ponferada, Ahanmisi at Norwood kasama ang kani­lang import na si Terrence Watson para malista ang unang winning streak pagharap nila sa NorthPort sa Miyerkules ng alas-7 ng gabi sa Cuneta Astrodome.

Subalit ganado ring mag­laro ang Batang Pier at sasandalan naman nila ang dalawang sunod na panalo, kasalukuyang kapit nila ang 2-6 card. Magkakaldagan naman sa unang laro ang Alaska at Columbian sa alas-4 ng hapon.

Samantala sa ikalawang laro, dinale ng Magnolia Hotshots ang Alaska Aces sa bisa ng 83-73 iskor. Best player of the game si Jio Jalalon sa nagawang 18 puntos. (ATD)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.