Search
  • Alvin Olivar

DRAW ANG AZKALS AT OMAN SA QATAR FRIENDLY GAME


NALAGAY sa 1-1 draw ang friendly game sa pagitan ng Philippine men’s national football team at ng Oman team na idinaos sa Doha, Qatar.

Nagulantang kaagad ang Azkals nang unang maka-goal ang Omans sa ika-eight minute nang umatake si Raed Saleh. Pero hindi pa man nagtagal ay nakaresbak ang Azkals pagdating ng ika-38 minuto at bumanat ng sarili niyang goal si Khalid Khalifa Al Hajri.

Hindi na nagalaw pa ang iskor na 1-all hanggang sa kumulapso ang oras ng laro. Wala pa ring panalo sa tatlong nagdaang laro ang Azkals na ngayon ay nasa no. 114 ang rankings sa FIFA.

Inihahanda rin ng Azkals ang kanilang sarili sa mga naturang friendly matches para sa pagsabak sa AFC Asian Cup UAE 2019 at sa AFF Suzuki Cup 2018.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.