Angkas sa motor binaril, utas
Levi Gonzales
Oct 15, 2018
1 min read
PATAY ang isang angkas sa motor makaraang barilin sa Sitio Baldeo, Bgy. San Diego, Lian, Batangas.
Batay sa ulat, alas-4:50 ng hapon, angkas sa motorsiklo ang biktimang si Victor Villafranca, may sapat na gulang, nang sundan ito saka binaril ng hindi pa nakikilalang suspek.
Bumagsak ang biktima habang nakaligtas naman ang driver nito.
Tumakas ang mga salarin sakay ng motorsiklo patungo sa Bgy. Poblacion.
Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpatay.





Comments