Mga sanhi ng iregular na pagdumi
- BULGAR
- Oct 14, 2018
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Magandang araw! Gusto kong malaman kung bakit hindi regular ang aking pagdumi? Minsan, kada dalawang araw bago ako makadumi. Masama ba ito sa kalusugan? —Esther
Sagot
Iniisip ng karamihan na dapat tayong dumumi, araw-araw, pero magkakaiba ang mga tao kaya magkakaiba rin ang pagkakataon natin sa pagdumi. Normal sa iba ang dumumi ng 1 o 3 beses sa isang araw, gayundin ang dumumi ng 3 beses sa isang linggo.
Gayundin, normal kung 2 beses tayo dumurumi, marahil, dahil kaunti ang ating kinakain o mayroon tayong constipation o pagtitibi. Malalaman ito sa pagkakataong matigas ang dumi, mahirap magdumi at pakiramdam na hindi nailabas itong lahat.
Narito ang mga maaaring gawin upang hindi mahirapan sa pagdumi:
Damihan ang pagkain ng gulay at prutas.
Mag-exercise kahit 3 beses sa isang linggo.
Uminom ng maraming tubig.
Iwasan ang mga nakaka-stress na gawain.
Huwag ipagpaliban ang pagpunta sa banyo.
Gayunman, kapag may napapansin kang mga pagbabago, lalo na sa pakiramdam, maaaring kumonsulta agad sa doktor upang mabigyan ng mga payo sa mga tanong at ibang dapat gawin.
תגובות