- BULGAR
Indonesia, sunud-sunod ang lindol, ingat Pilipinas!
KA AMBO / BISTADO
SUNUD-SUNOD ang malalakas na lindol sa Indonesia.
Maging babala sana ito sa Pilipinas!
◘◘◘
WALA nang nagrereklamo sa presyo ng bigas.
Nakakolekta na kasi ang mga ismagler!
◘◘◘
WALA na ring ulat tungkol sa jeepney modernization.
Propaganda ang lahat!
◘◘◘
WALA pa ring nakasapol sa P1.1 bilyong lotto jackpot.
Huh, baka maituro na tayong jackpot winner?
◘◘◘
DAPAT bang matuwa kapag nanalo ng lotto jackpot?
Hindi!
Bakit?
Sapagkat may karma ‘yan.
Ang panalo sa lotto ay nagmula sa milyun-milyong Pinoy na natalo.
◘◘◘
KAILANGAN ng may manalo sa lotto jackpot.
Kasi marami nang pamilya ang hindi na nagsasaing ng bigas dahil ipinantaya na ni nanay sa lotto combination.
‘Yung iba, tanghalian na kung kumain.
‘Yung badyet sa breakfast at dinner nila ang ipinantataya sa lotto.
◘◘◘
HINDI ba kayo nagtataka, may “dagdag” na presyo ang halaga ng tiket sa lotto?
Buwis natin ‘yan sa bawat taya!
◘◘◘
KAHIT hindi tayo manalo, magbabayad tayo ng buwis sa ating pagtaya sa lotto.
‘Pag nanalo tayo, panibagong buwis ‘yan.
‘Pag inilagak natin sa bangko ang panalo sa lotto, panibagong buwis ‘yan.
Tripleng taxation!
◘◘◘
KUNG umabot sa higit sa P1bilyon ang jackpot, tiyak na milyun-milyong Pinoy ang bibili ng tiket.
Meaning, hindi makokorner ang salapi ng bettors, bagkus, bilyong buwis ang makukubra ng gobyerno.
◘◘◘
ASAHAN ang paglobo ng jackpot sa iba pang lotto system.
Bagong modus ‘yan sa pagkolekta ng buwis!
◘◘◘
MARAMING nagdarahop ang nangangarap na magwagi sa lotto.
Ibig sabihin, ang iyong “pangarap” ay may “buwis” na rin!