- BULGAR
HOROSCOPE | Oktubre 14, 2018 (Linggo)
Maestro Honorio Ong

SA MAY KAARAWAN NGAYONG OKTUBRE 14, 2018 (Linggo): Higit kang masuwerte kaysa sa mga inaakala mong mas masuwerte sa iyo. Ang mga suwerte nila ay hindi magtatagal, pero ang sa iyo ay panghabambuhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) – Ipanatag mo ang iyong kalooban sa harap ng mga kontrabida na wala namang magawa kundi ang magsikontra lang. Hindi dapat masira ang diskarte mo dahil lang sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Manahimik ka at habang nasa tahimik kang kalagayan, ang tanong na kung paano ka mabilis aasenso ay maglalabas-masok sa iyong isipan na kapag iyong isinabuhay, ikaw ay yayaman. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-22-26-38-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Gawin mo ng mabilis ang mga bagay na gusto mo, hindi mahalagang matapos mo ito. Ang mga suwerte ay mapasasaiyo kapag mabilis kang kumilos. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-17-25-28-34.
CANCER (June 21- July 22) - Nasaan ang buwenas mo? Saan pa kundi nasa matalik mong kaibigan. Anuman ang gusto mong gawin, ang ngiti niya ang magpapasuwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-13-14-23-29-40-44.
LEO (July 23-Aug. 22) – Huwag kang magagalit ngayon kahit pa maraming epal sa buhay mo. Kapag naging mahinahon ka, ang mga suwerte ay magsisidapo sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-28-31-38-43-46.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Pag-aralan mo ang kilos at galaw ng mga nasa paligid mo dahil matutuklasan mo mula rito kung paano magsisidatingan ang mga suwerte mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-15-18-21-26-32.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang nagbigay sa iyo ng mga suwerte sa nagdaang mga araw, ito muli ang magbibigay sa iyo ng suwerte at sa pagkakataong ito, malaking suwerte ang mapasasakamay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-13-24-30-41-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Akala mo lang mailap ang suwerte sa iyo, ang totoo mapagbiro ang kapalaran na maihahambing sa taong matapos biruin ay pinasasaya na. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-20-26-35-36-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kasabay ng pagdating ng mga bulalakaw, ang mga suwerte mo ay magdaratingan na rin ngayon. Lakasan mo ang iyong loob at makipagsapalaran ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-11-19-24-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) – Bakit mo palalagpasin ang masuwerteng araw na ito para sa iyo? Mabuhay ka ng may saya at bubuwenasin ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-25-38-40-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Maraming naiinggit sa iyo noon pa man dahil ang totoo, talagang nakaiinggit ang kapalaran mo at magpapatuloy pa rin ito dahil sa kabutihang taglay mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-17-22-26-39-40.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago ka makipagsapalaran, makipag-ugnayan ka muna sa nasa malayo na madalas na nagpapasaya sa iyo. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-11-20-25-30-37-42.