ni Angela Fernando - Trainee @News | December 27, 2023
Nagpahayag ang Department of Trade and Industry (DTI) na inaalok sa mga Pinoy ang umaabot sa 200k na job opportunities dahil sa mga naging opisyal na biyahe ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. mula sa huling quarter ng 2022 hanggang sa taon ng 2023.
Batay sa datos mula sa DTI, inilabas ng Presidential Communications Office na ang mga biyahe ni Marcos nu'ng 2022 ay nagdulot ng 7, 100 job opportunities mula sa Indonesia (Setyembre 4-6); hindi bababa sa 14, 932 job opportunities mula sa Singapore (Setyembre 6-7); at 98, 000 job opportunities mula sa New York (Setyembre 18-24).
Nagdala rin nu'ng nagdaang taon si Marcos ng 5,500 job opportunities mula sa kanyang pagbisita sa Thailand nu'ng Nobyembre 16-19; hindi bababa sa 6,480 job opportunities mula sa Belgium (Disyembre 11-14); at 730 job opportunities mula sa Netherlands (Disyembre 15-17).
Ang pagbisita ni Marcos sa China sa taong 2023 nu'ng Enero 3-5 ay nagbukas ng 32, 722 job opportunities; 24, 000 job opportunities mula sa Japan (Pebrero 8-12); 6, 386 job opportunities mula sa Washington, DC (Abril 30-Mayo 4); at 8, 365 job opportunities mula sa Malaysia (Hulyo 25-27).
Ang biyahe ni Marcos sa Singapore nu'ng Setyembre 14-17 ay nagresulta rin ng 450 job opportunities; 2, 550 job opportunities mula sa Estados Unidos (Nobyembre 14-17); at 15, 750 job opportunities mula sa Japan (Disyembre 15-18).
Comments