top of page

20 volcanic quakes, yumanig sa paligid ng Taal; nananatili sa Alert Level 1

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 23, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | August 23, 2020





Muling nagtala ng 20 volcanic quakes sa paligid ng Taal Volcano at kalapit na lugar sa loob lamang ng 24-hour observation period, matapos ang tatlong beses na pagyanig noong Huwebes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa Taal bulletin, ayon sa Phivolcs, nananatili sa Alert Level 1 (abnormal) ang estado ng bulkan.


Bukod sa nirekord na 20 volcanic quakes ng Taal Volcano Network, nakitaan rin ng Phivolcs ang mahinang steaming o fumarolic activity na may taas na limang metro na lumalabas sa bunganga ng main crater.


Gayunman, patuloy ang paalala ng Phivolcs, sa publiko ng alert level status ng bulkan, sa biglaang steam-driven o phreatic explosions, volcanic earthquakes, minor ashfall at lethal accumulations o expulsions ng volcanic gas na maaaring mangyari at magdulot ng panganib sa mga lugar malapit sa Taal Volcano Island (TVI).


Dagdag pa ng Phivolcs, "strongly recommends that entry into TVI, Taal’s Permanent Danger Zone or PDZ, especially the vicinity of the Main Crater and the Daang Kastila fissure, must remain strictly prohibited."


Pinapayuhan rin ang local government units (LGU), sa pagsasaayos ng mga evacuated barangay sa paligid ng Taal Lake sa posibleng maging pinsala nito, pati na rin ang pagkakaroon ng road accessibility. Ayon pa sa Phivolcs, kinakailangan ng patuloy na paghahanda, pagpapatupad ng contingency at communication measures sakaling muling pumutok ang bulkan.


Gayundin, pinaalalahanan ang publiko na maging alerto sa maaaring idulot ng pagbitak ng lupa sa mga lugar, posibleng ashfall at pagkakaroon ng mga paglindol.


Samantala, inabisuhan na ang civil aviation authorities, na dapat na iwasan muna ng kanilang mga piloto ang pagtungo sa lugar malapit sa bulkan dahil sa ibinubuga nitong airborne ash at ballistic fragments mula sa biglaang pagsabog at wind-remobilized ash na magdudulot ng panganib sa kanilang aircraft, ayon sa Phivolcs.


Patuloy ang isinasagawa closed monitoring ng DOST-Phivolcs ng sa aktibidad ng Taal Volcano.

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page