- BULGAR
20 katao sa bus, hinostage ng armadong lalaki
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 22, 2020

Isang armadong lalaki ang nang-hostage diumano ng 20 pasahero ng bus sa western Ukrainian City of Lutsk nitong Martes, July 21.
Ayon kay Deputy Interior Minister Anton Gerashchenko, nagpakilala ang suspek sa pangalang Maksim Plokhoy at ito rin diumano ang tumawag sa kanila.
Samantala, mismong si Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang personal na magmo-monitor ng insidente.
Aniya pa sa Facebook post, “Gunshots have been heard, the bus is damaged.”