top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

2 yrs. nang tambay dahil sa pandemya, nasa abroad ang suwerte sa career

BULGAR
Sep 20, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | September 20, 2021




KATANUNGAN

  1. Halos dalawang taon na akong istambay o walang trabaho simula nang magka-pandemya. Naisipan kong sumangguni sa inyo upang ipasuri ang aking palad.

  2. Maestro, kailan ako makakahanap ng isang regular, permanente at magandang trabaho, at saang kumpanya, anong buwan at taon ito mangyayari?

KASAGUTAN

  1. “Wala sa Pilipinas ang magandang kapalarang naghihinatay sa iyo sa larangan ng career o propesyon kundi nasa ibayong-dagat,” ito ang nais sabihin ng malawak at malinaw na Travel Line (Drawng A. at B. t-t arrow a.), na kinumpirma ng luminaw at kumapal na Fate Line (Drawing A. at B. F-F arrow b.) na tinatawag din nating Career Line (arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ibig sabihin, kung mag-a-apply ka rin lang at naghahanap ng regular na mapapasukan, mas mabuting sa pangingibang-bansa ka na sumubok. At kapag nagtagumpay ka, dahil ayon sa iyong kapalaran, tunay ngang sa ibayong-dagat, mas mapapaganda at mapapaunlad mo ang iyong career o kabuhayan.

  2. Ang pag-aanalisang kung noong mga nakaraang panahon, lalo na sa kasagsagan ng pandemya ay hindi ka pinalad na magkaroon ng regular at magandang trabaho, sa panahon ngayon, lalo na pagpasok ng susunod na taong 2022, mag-iiba na ang ihip ng hangin. Gaganda na ang iyong career at magkakaroon ka ng maayos at magandang trabaho, na madali namang kinumpirma ng magulong lagda sa simula, pero naayos at napabuti na rin sa bandang gitna hanggang sa dulo ng iyong pirma.

  3. Ibig sabihin, sa panahong ito ng iyong buhay o sa edad mong 28 pataas, unti-unti nang bubuti, uunlad at gaganda ang iyong career, kasabay ng pag-asenso at paglago ng iyong kabuhayan, na magsisimulang mangyari sa malapit na hinaharap.

DAPAT GAWIN

Habang ayon sa iyong mga datos, Genesis, kung naghahanap ka ng permanenteng trabaho ngayon dito sa bansa, mas maganda kung sa ibayong-dagat ka na sumubok at magtatangka upang hindi masayang ang iyong effort, oras at pagsisikap. Sapagkat ayon sa iyong Travel Line (t-t arrow a.), sa pangingibang-bansa ka higit na aasenso at uunlad na posibleng maganap sa last quarter ng taong ito ng 2021 at pinakamatagal na sa first quarter ng taong 2022. Sa edad mong 28 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa na itatala sa iyong kapalaran.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page