Search
  • BULGAR

2 sako ng marijuana na dadalhin sa Maynila, naharang

ni Twincle Esquierdo - | July 14, 2020




Nakuha sa COVID-19 border checkpoint, Cordon, Isabela ang 2 sako ng marijuana pasado alas-7 ng umaga nitong Lunes.

Ayon kay Police Colonel James Cipriano, Director ng Isabela Police Provincial Office, nakatanggap sila ng impormasyon na may lamang marijuana ang sasakayan kaya hinarang nila ito at nakuha ang mga pinaghihinalaang marijuana.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Region 2, nagsagawa sila ng inspeksiyon at nakita ng mga pulis ang 2 sako ng marijuana na nagkakahalaga ng Php2 milyon.

Inaresto ang driver 26-anyos, mula sa Munoz, Nueva Ecija at napag-alaman na galing ng Tabuk, Kalinga ang mga nasabing marijuana at dadalhin sana ang mga ito sa lungsod ng Maynila.

Nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act, Article 151 ng Revised Penal Code o Disobedience to Person in Authority dahil ayaw nitong bumaba ng sasakayan na ipinag-uutos ng pulisya at Republic Act 11332 o Law on Reporting Communicable Disease dahil sa kawalan nito ng mga health certificate at travel documents na kauganay sa COVID-19 protocols.

Wala ring plaka ang sasakyan at expired na ang lisensya ng suspek.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.