top of page

2 patay, 8 sugatang Pinoy sa massive explosion sa Beirut, Lebanon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 5, 2020
  • 2 min read

ni Lolet Abania | August 5, 2020





Isang napakalakas na pagsabog ang naganap sa central Beirut na nag-iwan ng maraming namatay at libu-libong sugatan, kasama dito ang dalawang nasawi at walong sugatang Pinoy, ayon sa kumpirmasyon ng Department of Foreign Affairs (DFA).


Nagmistulang malaking mushroom o kabuting hugis-ulap na shockwave na may pagtilapon ng mga sasakyan at nagwasak sa kalapit na mga gusali. Naramdaman ang explosion hanggang Cyprus, na daan-daan ang milya ng layo nito at nakapagtala ng 3.3 magnitude na paglindol sa Lebanese capital.


Dagdag pa rito, dalawang beses ang naitalang pagsabog sa naturang lugar, kung saan naglipana ang mga fireball na bumabagsak at halos mabura ang buong siyudad sa tindi ng tornado-like shockwave.


Umabot sa 78 ang namatay at tinatayang 4,000 ang sugatan sa naturang pagsabog, ayon kay Health Minister Hamad Hasad sa Reuters.


Gayundin, kinumpirma ng DFA na kasama sa nasawi ang dalawang Pinoy at walo ang sugatan matapos ang massive explosion.


“There are many people missing until now,” ayon kay Hasan. “People are asking the emergency department about their loved ones and it is difficult to search at night because there is no electricity. We are facing a real catastrophe and need time to assess the extent of damages.”


Samantala, iba’t iba ang ibinibigay na report tungkol sa malakas na pagsabog sa Beirut. Sa inisyal na datos, nagsimula ang matinding explosion sa isang warehouse ng mga paputok malapit sa port, ayon sa Labanese state news agency na NNA.


Ayon sa director ng general security directorate, ang dahilan ng pagsabog ay “high explosive materials confiscated years ago,” subalit hindi na ito nagbigay pa ng ibang impormasyon.


Gayunman, nag-anunsiyo si Lebanese Prime Minister Hassan Diab, na patuloy ang gagawing imbestigasyon tungkol sa pagsabog, ayon sa kanya “revelations that will be announced about this dangerous warehouse which has been present since 2014.”

Tumanggi ring magbigay ng ibang detalye si Diab.

Komentar


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page