2 miyembro ng Hamas, napatay ng Israel
- BULGAR
- Aug 18, 2024
- 1 min read
by Eli San Miguel @Overseas News | August 18, 2024

Iniulat ng Israel na napatay nito ang dalawang mataas na opisyal ng Hamas na sina Ahmed Abu Ara at Rafet Dawasi, sa isang air strike sa kanilang sasakyan sa Jenin, West Bank, noong Sabado.
Inihayag din na sangkot ang dalawang militante sa pagkamatay ng isang Israeli.
Ipinaliwanag ng Israel na kasama ang dalawang militante sa pagpaplano ng isang pamamaril noong nakaraang linggo sa Jordan Valley, West Bank, na nagresulta sa pagkamatay ng isang Israeli na lalaki, si Yonatan Deutsch.
Ayon sa Hamas, itinuturing ang pag-atake bilang tugon sa Israeli strike na isinagawa sa isang paaralan sa Gaza City, kung saan naninirahan ang mga lumikas na Palestinian, na iniulat na nakapatay ng hindi bababa sa 90 tao.








Comments