2 Japanese teams kontra PVL squad sa Invitationals
- BULGAR

- Aug 14
- 2 min read
ni Gerard Arce @Sports News | August 14, 2025
Photo: Kurashiki Ablaze - IG
Mga laro sa Linggo (MOA Arena)
Battle-for-third
4 n.h. – Cignal HD Spikers vs Creamline
Winner-take-all Finals
6:30 n.g. – Chery Tiggo vs PLDT
Magbabalik-aksyon sa hatawan ang 2023 Premier Volleyball League Invitational Conference titlists Kurashiki Ablaze kasama ang Kobe Shinwa Women's University upang hamunin ang apat na koponan sa 2025 edisyon ng nasabing komperensiya na magsisimula sa Agosto 21 sa Philsports Arena sa Pasig City.
Magsisilbing guest squad ang dalawang Japanese teams pagkatapos ng isinasagawang PVL On Tour, na nasa dulo ng aksyon sa championship round sa Linggo sa MOA Arena sa Pasay City sa pagitan ng 2021 Open Conference champ Chery Tiggo Crossovers at first-time finalists PLDT High Speed Hitters.
Ito ang ikatlong salang ng Kurashiki na nakakuha rin ng bronze medal finish sa 2024 Invitational tilt at unang beses na sasalang ang Kobe Shinwa bilang guest team sa nangungunang professional women’s volleyball sa bansa.
Ang Kurashiki ay isang Japanese professional team na minsang sumabak sa V.League, kung saan nagwagi ito ng ilang medalya sa 13th National 6-Person Final League at Grand Champion Match Awards sa Japan. Tinalo ang Creamline Cool Smashers sa five set game noong 2023 para mapurnada ang unang subok sa Grand Slam ng koponan.
Maituturing na isa sa crowd favorite ang Kurashiki Ablaze na nagpakita ng naiibang trademark sa larangan ng laro mula sa naiibang disiplina, bilis, at eksaktong mga laro at playmaking. Sa kabilang banda, matutuloy na rin ang inaabangang PVL debut ng Kobe Shinwa na umatras mula sa 2022 edisyon kung saan isang miyembro ng koponan ang nagpositibo sa COVID-19.
Makakaharap ng Kurashiki at Kobe Shinwa ang apat na semifinalists sa PVL On Tour katunggali ang Chery Tiggo, PLDT, Creamline at Cignal HD Spikers, na inaabangang eksplosibo na susubok sa diskarte at bilis na takbo ng sistema ng Japanese teams.










Comments