Fni Angela Fernando - Trainee @News | November 28, 2023
Nagtapos na ang dalawang Pinoy iskolar ng DOST na sina Lorraine Kay Cabral at Noel Salvoza ng kanilang post-graduate course sa larangan ng Molecular Biomedicine kamakailan.
Matagumpay din ang kanilang naging pananaliksik sa mga sakit sa atay sa Trieste University at sa Italian Liver Foundation.
Nagkaroon sila ng oportunidad na makapag-aral at mapagtagumpayan ang kanilang pananaliksik sa tulong ng kasunduan ng Philippine Department of Science and Technology (DOST), Philippine Council for Health Research and Development ng DOST (DOST-PCHRD) sa mga nasabing unibersidad at mga foundation sa Italya.
Napabilib naman nina Cabral at Salvoza ang founder ng Italian Liver Foundation na si Professor Claudio Tiribelli dahil sa kanilang dedikasyon.
Nais ng dalawang maging tulay upang maging epektibo ang pananaliksik sa molecular hepatology sa 'Pinas at maging instrumento upang maibahagi ang kanilang natutunan.
Naniniwala silang posibleng magbukas ng mga pinto sa larangan ng medisina ang kanilang kaalaman para sa mas makabagong mga solusyon at paggamot.
Comments