top of page
Search
  • BULGAR

2 inginuso sa sugal, tiklo sa shabu

ni Maeng Santos | September 11, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Kulong ang dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halaga ng shabu sa Caloocan City, kahapon ng madaling-araw.


Kinilala ang mga suspek na sina Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Bgy. 8, na kakasuhan ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at illegal gambling.


Alas-3:30 ng madaling-araw nang respondehan nina PCpl. Jomel Salaysay at Pat. Jaypee Azucena ang natanggap na tawag mula sa concerned citizen hinggil sa grupo ng kalalakihan na nagsusugal at nambubulahaw.


Pagdating sa lugar, naaktuhan ang mga suspek na nagka-cara y cruz subalit, nagpulasan ang mga ito kaya hinabol sila ng mga pulis hanggang sa makorner sina Ruiz at Albino.


Nang kapkapan, nakuha kay Ruiz ang 0.8 gramo ng shabu na may halagang P5,440 habang 0.7 gramo naman ng shabu na nagkakahalaga ng P4,760 ang narekober kay Albino at nasamsam din ang tayang P300 at tatlong pangara.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page