2 hinihinalang drug pushers, patay sa police operation
- BULGAR

- Jul 18, 2020
- 1 min read
ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 18, 2020

Patay ang dalawang hinihinalang drug pushers sa isinagawang police operation nitong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ulat, 220 grams ng shabu ang nakumpiska sa dalawang hinihinalang drug pushers na nakilala bilang sina Andres Marcolita ng Villaroma Village, Guiguinto at Gil Manaog ng Batangas.
Nagkaroon ng palitan ng putok ng bala ng baril sa pagitan ng mga suspek at Bulacan Police Provincial Intelligence Branch (PIB), Drug Enforcement Group at San Rafael police hanggang sa mapatay ang dalawa.





Comments