Search
  • BULGAR

2 ex-sexy stars, nag-away dahil sa ABS-CBN…

VIVIAN: MATOKHANG KA SANA

ISABEL: MAGPA-DRUG TEST KA MUNA!

ni Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | July 14, 2020




Palaban si Isabel Rivas nang makarating sa kanya ang blind item ni Vivian Velez sa FB account nito patungkol sa isang inggiterang aktres na may kasunod na pasaring na… "tumitira ka pa rin ba, palaka? Matokhang ka na sana.”


Hindi man daw pinangalanan ni Vivian ang kanyang binanggit na aktres ay marami ang nagsasabing patungkol 'yun kay Isabel Rivas.


Nauna kasing nag-post si Isabel ng kanyang disgusto sa ginawa ni Vivian nang hindi pinaboran ng Congress ang renewal ng franchise ng ABS-CBN at sa kanyang post ay sinabi niyang sexy lang pero walang utak ang dating sexy star.


Nakontak-nakausap namin si Isabel Rivas upang kunin ang kanyang reaksiyon tungkol sa blind item ni Vivian Velez.


Sey ni Isabel, "Heto, ate, kagagaling ko lang magpa-drug test upang patunayan kay Vivian na klaro ako sa droga at hindi maipapatokhang. Siya ngayon ang hinahamon ko na magpa-drug test para magkaalaman na!


"Hindi ako natatakot sa kanya. Hindi ko siya uurungan. Marami akong hawak na alas at magkakabulgaran na! Hindi ko siya aatrasan sa laban!"


Hintayin na lang natin kung muli pang sasagot si VV sa hamong ito ni Isabel.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.