2 ang gf pero ‘di labs ang una, magiging masaya kahit sino ang makatuluyan
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | January 30, 2022

KATANUNGAN
Hindi ko gaanong mahal ang girlfriend ko dahil ang totoong gusto at nililigawan ko noon ay ang bestfriend niya na tawagin na lang nating Mia. Pero ang hindi ko alam, siya pala ang may gusto sa akin habang si Mia ay nagka-boyfriend at nakapag-asawa na nang panahong ‘yun.
Tumagal naman ang relasyon namin nang halos isa’t kalahating taon, pero dama kong hindi ako masaya sa kanya kaya nakipag-break ako hanggang sa tangkain niyang magpakamatay. Mula noon, nagkabalikan kami dahil sabi ng mga kaibigan ko, mahal na mahal niya ako kaya hindi ko siya dapat iwanan. Kaso, may bago na akong girlfriend at mahal na mahal ko siya. Hindi ko pa ito masabi sa kanya dahil baka magpakamatay na naman siya.
Ano ang dapat kong gawin para masabi ko sa kanya na hindi ko siya mahal at may mahal na akong ibang babae nang hindi siya masasaktan? Sino sa kanilang dalawa ang makakatuluyan ko? Mahirap na kasing pilitin ang aking sarili at mapangasawa ang isang babaeng hindi ko naman talaga mahal.
KASAGUTAN
Madali lang solusyunan sa problema mo. Tingnan o suriin mong mabuti ang kaliwa at kanang palad ng girlfriend mo upang mabatid kung magiging successful siya sa tatangkain niyang pagpapakamatay kung sakaling ulitin niya ito. Dalawang klase kasi ang suicidal tendency, pero iisa lang ang dahilan kaya nila ginagawa ito – kawalan ng pag-asa at labis na kabiguan sa buhay.
Ang dalawang klase ng indibidwal na may suicidal tendency, una, matagumpay na nakapagsu-suicide, kaya sila ay natutuluyan, habang ang ikalawa ay hindi nagtatagumpay kaya sila ay nabubuhay, sa halip na mamatay sila ay nao-ospital lang. Ang masakit sa mga bigo na nagsu-suicide, hindi nila alam na kahit ulit-ulitin nila ang pagtatangkang magpatiwakal, dahil nakatakda sa kanilang palad ang palaging mabigo sa buhay, pati sa pagtatangkang kitilin ang sariling buhay ay bigo pa rin sila.
Hindi tulad nu’ng isang klase, akala nila, palagi silang bigo o hindi nagtatagumpay sa buhay, pero ang hindi nila alam, may isang tagumpay na itatala sa kanilang kapalaran at ito ay ang pagsu-suicide. Ngayon, paano mo malalaman sa guhit ng palad kung ang isang indibidwal na may suicidal tendency ay magtatagumpay sa kanyang pagpapatiwakal?
Una, kailangang malambot at mabuto ang kaliwa at kanang palad. Ibig sabihin, talagang halos hindi niya lang madama na wala na siyang silbi sa mundo, bagkus, ang totoong laman ng kanilang unconscious na pagkatao ay ang kawalang pag-asa at labis na depresyon. Mag-suicide man ang ganitong uri ng indibidwal at hindi natuluyan, sa sakit o labis na depresyon naman sila mamamatay, kumbaga, aayaw ang kanilang unconscious na katawan o pagkatao na mabuhay, kaya sa bandang huli, karamdaman ang kanilang ikamamatay.
Ikalawa, bukod sa mahaba ay sloping o bumibilog sa bandang dulo ang Head Line (Drawing A. at B. H-H arrow a.) na nakatundong sa Bundok ng Imahinasyon o Mount of Luna (arrow b.). Kung ganito ang palad ng girlfriend mo, isa pang pagtatangka, lalo na’t kung siya ay may birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19, at 28, ito kasing mga Taong Uno at Kuwatro ang madalas mag-isip o maglaro sa isipan nila ang magtangkang magpatiwakal. Habang ang pumapangasawa sa kanila ay ang mga Taong Otso, Dos at Siete, pero ang karamihan sa mga nagtatagumpay magpatiwakal ay silang may mga birth date na 4, 13, 22, 31, 1, 10, 19 at 28, habang ang kadalasan namang nabibigo sa pagsu-suicide ay ang mga taong 2, 11, 20, 29, 7, 16, 25, 8, 17 at 26, sapagkat talagang walang suwerte at bigo sa buhay. Kaya pati sa pagpapakamatay ay bigo pa rin sila, hindi tulad ng mga Taong Kuwatro at Uno, lagi silang may suwerte at may tagumpay sa huling yugto ng kanilang buhay, kaya pati sa layuning magpatiwakal, talagang sila ay magtatagumpay.
Pero tulad ng nasabi na, ang birth date na inilawaran sa itaas ay secondary lamang na tinitingnan kung magtatagumpay ang isang indibidwal na magtatangkang magpakamatay, ang mas malinaw na tinitingnan ay ang very sloping at kumurbang pabilog na mahabang Head Line (Drawing a. at b.) sa kaliwa at kanang palad.
MGA DAPAT GAWIN
Mahirap namang mag-asawa sa taong hindi mo talaga mahal. Kaya tama ka, Darwin, kung hindi mo siya mahal, ipaliwanag mo sa kanyang mabuti na kahit magkatuluyan kayo, hindi rin kayo magiging maligaya.
Sa kabilang banda, ang pinakamahirap sa lahat ay ang ipinilit na pag-aasawa, kumbaga, hindi ka willing na pakasalan ang isang babae pero ginawa mo pa dahil sa bandang huli, posibleng mambabae ka.
Ngunit anuman ang mangyari, ang nakakatuwa sa kaliwa at kanan mong palad ay ang malinaw at maayos o magandang ikalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 2-M arrow c.). Ito ay nagsasabing sinuman ang mapangasawa mo sa dalawang nabanggit na babae, sigurado naman ang magaganap – magkakaroon ka ng maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.




Comments