top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

2 ang birth date, gustong makasiguradong suwerte ang gagamitin

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 9, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| January 09, 2022



Dear Maestro,


Dalawa ang birthday ko, ‘yung isa ay April 2, 1976 at January 29, 1976 naman ang isa pa, ano ang dapat kong gamitin para suwertehin ako? Gusto ko kasing mapaganda ang magulo kong kapalaran dahil mula nang nag-abroad ako, nagulo ang buhay ko, naghiwalay kami ng asawa ko at ngayon ay may karelasyon ako na may asawa rin.



Umaasa,


Amihan ng Dubai, UAE

Dear Amihan,


Kapag ang birthday mong January 29, 1976 ang iyong kasalukuyang ginagamit, magugulo talaga ang kapalaran mo, lalo na sa aspetong pag-ibig. Ito ay dahil tulad ng naipaliwanag noong mga nakaraang araw, ang may pinakamalungkot na love life o huwag na natin sabihing malungkot, gamitin na lang nating ang salitang may pinakamagulong love life ay ang mga Aquarius. Ang impluwensiya ng planetang Uranus, Pluto at Saturno ay sadyang nanggugulo sa buhay ng mga Aquarius na tinatawag ding Taong Kuwatro.


Samantala, kung ang birthday mo namang April 2, 1976 ang iyong gagamitin, ikaw ay magiging tipikal na Aries, na may birth date na 2, sa destiny number na 2 din (dahil ang April 2, 1976 ay 4+2+1976=1982/ 19+82=101/ 10+1=11/ 1+1=2). Ibig sabihin, parehong weak ang birth date at destiny number mong 2, subalit strong naman ang zodiac sign mong Aries.


Ang ibig sabihin ng birth date mong 2 at destiny number na 2, ay madali kang maiimpluwensiyahan ng iyong kapwa o kaibigan, kung saan hindi ikaw ang magsasabi o magtatakda ng iyong kapalaran kundi ang mga taong malapit at nakapaligid sa iyo.


Samantala, kung ang birthday mong January 29, 1976 ang gagamitin mo, lumalabas na ikaw ay may birth date na 2 (dahil ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2) sa destiny


number na 8, (1+29+1976=2006/ 20+06-26/ 2+6=8) at sa zodiac sign na Aquarius.


Ang ibig sabihin naman ng birth date mong 4 sa destiny number na 8 at zodiac sign na Aquarius, pagkatapos ng magulo at hindi maintindihang buhay, kapag nagpatuloy ka sa iyong layunin na umunlad at yumaman, sa bandang huli ay hindi imposibleng umunlad at yumaman ka dahil sa destiny number mo na 8.


Samantala, ayon sa Decadens ng Kapalaran, magsisimula mo nang maramdaman ang unti-unting pag-unlad dulot ng destiny number na 8 sa taong 2023 hanggang 2025 sa edad mong 47 pataas.


Ibig sabihin, ikaw ang bahalang pumili kung ano ang gusto mong makamit sa iyong buhay. Dahil tulad ng naipaliwanag na, kung April 2, 1976 ang pipiliin mong birth date, simple at okey lang ang buhay mo, hindi masyadong magulo ang magiging kapalaran, pero hindi ka naman yayaman.


Sapagkat ang pagyaman para sa mga taong may weak number ay depende sa kanyang mga kasama at sa mga taong malalapit sa kanya. Ibang tao o impluwensiya ng ibang tao ang magpapayaman sa kanya at hindi ang kanyang sarili.


Subalit kung January 29, 1976 ang pipiliin mong birthday, tulad ng nasabi na, may pag-asa kang yumaman. Pero bago mangyari ang pagyamang ito, napakaraming kabiguan at kaguluhan muna ang iyong kakaharapin at kapag napagtagumpayan mo ang lahat ng pagsubok, saka pa lang magliliwanag ang kapalaran, sa nasabing panahon o sa edad mong 47 pataas.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page