2,424 klasrum, wasak sa habagat — DepEd
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Mervin Reyes @News | August 10, 2026

Photo: FP
Umabot sa 2,424 silid-aralan ang napinsala dahil sa malalakas na pag-ulan na dala ng Habagat, ayon sa Department of Education (DepEd).
Batay sa paunang assessment ng DepEd Disaster Risk Reduction and Management Service (DRRMS), 403 silid-aralan ang lubusang nasira, habang 505 ang nagtamo ng malaking pinsala at 1,516 naman ang bahagyang napinsala.
Sinabi ng DepEd na patuloy na bina-validate ng mga Regional at Schools Division Office ang datos upang matukoy ang mga lugar na dapat unahin sa agarang pagpapadala ng emergency cleanup personnel.
Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, pinabibilis ng DepEd at Department of Labor and Employment (DOLE) ang rehabilitation ng mga pampublikong paaralang napinsala.





Comments