Search
  • BULGAR

1st Leg Fillies and Colts Stakes Race, double carry over

ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | October 11, 2020



Magaganap ngayon ang 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race sa Philippine Racing Club,Inc.sa Saddle and Park sa Naic, Cavite.

Kasabay nito magaganap din ang Double Carry over sa Winner Take All at carry over sa Quartet, Pentafecta at super 6. Maghaharap sa 1st Leg Juvenile Fillies and Colts Stakes Race ang mga kalahok na Kiss Muna, entry ni Cipriano Sison na papapatnubayan ni F. G. Fernandez, Lady Susan,na entry ni Peter Allan Limjoco,na sasakyan ni class A jockey Jessie Guce,Work Bell,entry ng Bell Racing Stable at ni Class A Jockey Jonathan B. Hernandez, Kalanggaman Island at couple entry na Malalison Island, na entry ni Wilbert Tan,sa patnubay nina class A jockey R M Garcia at C.M Pilapil, Isla Puting Bato,entry ni Mary Ann Tansengco na papatnubayan ni class A Jockey C.P. Henson,Meteora ni Peter Aguila, na sasakyan ni jockey R.G.Suson, My Sweet Lord, entry ni Francis Lim, sa patnubay ni Class A Jockey R.A. Base, Senyorita ng SC Stock Farm,Inc.,sasakyan ni class A jockey John A. Guce at Kevlar na entry ni Francisco Crisostomo sa patnubay ni class A jockey Fernando M. Raquel.

Ang nasabing karera ay may guaranteed prize na P1-milyon na hahatiin sa 1st prize na P600,000 at tatanggap ng P225,000 ang 2nd place, makatatanggap ng P125,000 ang 3rd place at P50,000 ang mapupunta sa 4th place.

Apat na kalahok ang posibleng maglaban sa unahan ito’y ay ang Work Bell, Senyorita, Lady Susan at couple entry na Kalanggaman Island at Malalison. Magbibigay ng magandang karera ang double carry over sa 1st WTA na magsisimula sa race 3. Sa race 1 magaganap ang 3 carry over sa quartet ,pentafecta at super 6.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.