ni Eli San Miguel @Overseas News | August 3, 2024
Inihayag ng World Health Organization (WHO) noong Huwebes na nasa 175,000 tao ang namamatay kada taon sa Europe dahil sa init, kung saan tumataas ang temperatura nang mas mabilis kaysa sa ibang bahagi ng mundo.
Ayon sa WHO, mula sa humigit-kumulang 489,000 na pagkamatay na nauugnay sa init na naitala bawat taon mula 2000 hanggang 2019, 36 porsiyento o average na 176,040 pagkamatay ang nagmumula sa rehiyon ng Europe.
Binubuo ng 53 bansa ang European region ng WHO, kabilang ang ilang mga bansa sa Central Asia.
Inihayag din ng WHO na tumaas ng 30 porsiyento ang pagkamatay kaugnay ng init sa rehiyon sa nakalipas na dalawang dekada.
Ayon pa sa organisasyon, inaasahan na tataas nang husto ang bilang ng mga pagkamatay kaugnay ng init sa mga susunod na taon dahil sa global warming.
Comments