Search
  • BULGAR

17 patay sa gumuhong Simbahan, iba pa na-trap

ni Lolet Abania | October 22, 2020



Tinatayang 17 ang namatay matapos gumuho ang tatlong-palapag na gusali ng simbahan sa silangang bahagi ng Ghana, ayon sa local officials ng nasabing bansa, kung saan pinangangambahan ding maraming na-trap sa loob nito.


Ayon sa isang nakaligtas sa sakuna, aabot sa 60 deboto ang nagsisimba nang oras na iyon sa Church of Prosperity sa bayan ng Akyem Batabi.


Gayunman, walo ang nasagip ng mga rescue workers at nakuha ng mga ito ang 17 namatay, ayon sa National Disaster Management Organization (NDMO) official ng Ghana na si Gyan Willington.


"We're bringing more excavators to clear the rubble," sabi ni Willington. "We fear there are more people trapped down there." Agad na dinala sa pinakamalapit na ospital ang mga na-rescue sa gumuhong simbahan, ayon sa Eastern Region Minister na si Eric Darfour.


"We do not have an idea of the number of people still trapped but the rescue mission is ongoing," sabi ni Darfour.


Wala pang malinaw na impormasyon sa pinagmulan ng aksidente subali’t ang founder ng simbahan na si Prophet Isaac Ofori, kilala sa tawag na Akoa Isaac, ay kasama ng pulisya na nag-iimbestiga sa nangyari.


Isa pang naka-survive sa insidente na si Mavis Antwi ay nagsabing narinig niyang nagsisigawan ang ilang nagsisimba, kung saan nandu'n ang bahagi ng gusali na bumagsak, habang tumatakbo palabas ng simbahan.


"We started running away, some of the people managed to escape but others were trapped," sabi ni Antwi.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.