Search
  • BULGAR

17 namatay, 20 sugatan sa gas explosion sa Bangladesh

ni Lolet Abania | September 6, 2020



Tinatayang 17 ang nasawi at mahigit sa 20 ang sugatan matapos ang pagsabog ng gas pipeline sa isang mosque sa Dhaka, Bangladesh, ayon sa report ng local media ng bansa.


Ayon sa Dhaka Tribune, lokal na diyaryo sa Bangladesh, naganap ang pagsabog habang nagsasagawa ang mga Muslim ng night prayer sa Baitus Saldam Mosque sa Narayanganj. Kabilang sa mga namatay ang 7 taong gulang na bata.


Naisugod pa sa Sheikh Hasina National Institute of Burn and Plastic Surgery sa Dhaka ang mga biktima subali’t namatay din ang mga ito habang ginagamot sa ospital, pahayag ni Samanta Lal Sen, coordinator ng institusyon.


Sa report ng opisyal ng Narayanganj fire service, lumalabas na lahat ng anim na air-conditioners na nasa unang palapag ng mosque ay sumabog dahil sa gas na naipon mula sa leak ng pipeline kung saan hindi makalabas sa nakasaradong bintana.


"We primarily suspect that gas leaked from the pipeline and accumulated inside since the windows were closed. The explosion was probably triggered due to sparks when the air conditioners were turned on," sabi ni senior fire service official Abdullah Al Arefin.


Gayundin, matapos ang malakas na pagsabog, mabilis na nagtakbuhan ang mga deboto papalabas ng mosque na nagpapagulung-gulong sa kalsada upang mapatay ang apoy sa katawan.


"I saw smoke was belching out of the mosque after the sudden explosion with a big bang and people were screaming. Some were rolling on the street as they tried to put out the flames on their bodies," sabi ng residenteng si Mohammad Ratan.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.