top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

16 yrs. old, dedo sa outing ng tropa

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 53 minutes ago
  • 1 min read

by Mai Ancheta @News | August 24, 2026



16-anyos nalunod sa Buo River, Brgy. Camp 3, Tuba, Benguet - TUBA-MPS, circulated

Photo: TUBA-MPS, circulated



Napalitan ng kalungkutan ang masaya sanang picnic ng magkakaibigan matapos maanod sa malakas na agos ng tubig ang 16-anyos na estudyante sa Buo River, Brgy. Camp 3, Tuba, Benguet.


Pauwi na umano ang grupo nang mapansin na tinangay ng malakas na agos ang biktima at tinangkang saklolohan subalit hindi ito naabutan dahil sa mabilis na agos ng ilog.


Gabi na nang matagpuan ng search and rescue team ang katawan ng biktima sa Ampasit River, kabilang ibayo ng Buo River.


Nagtamo ng basag sa bungo ang dalagita dahil umano sa pagkahulog sa mabatong bahagi ng ilog.


Tumanggi ang magulang ng biktima na ipa-autopsy ang katawan nito at iniuwi na sa kanilang tahanan sa Camp 1, Tuba, Benguet.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page