Search
  • BULGAR

16,000 LSI’s, gusto ng makauwi

ni Twincle Esquierdo | July 21, 2020




Mahigit 16,000 LSI’s ang stranded sa Cebu City at humuhingi ng tulong sa gobyerno para makauwi sa kani-kanilang lugar, na-stranded sila nu’ng magsimula ang lockdown noong Marso.


Ilan sa mga ito ay mahigit isang buwan ng na-stranded at sa pier nanunuluyan dahil kanselado ang mga biyahe ng mga ito papunta sa kani-kanilang mga probinsiya.

Ayon sa mga LSI’s ay wala na silang pera at hinihilling nila sa City Mayor’s office na bisitahin sila upang makita ang kanilang pinagdaraanan o sitwasyon.

Nagbigay na rin ng tulong ang Cebu Ports Authority at Cebu City Government sa abot ng kanilang makakaya, ngunit humihingi pa rin tulong ang mga LSI’s.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.