top of page
Search
  • BULGAR

15 kabahayan winasak ng buhawi sa Cotabato

ni Jasmin Joy Evangelista | November 15, 2021



Umabot sa 15 kabahayan ang winasak ng buhawi sa hangganan ng Brgy. Poblacion at Brgy. Manubuan sa Matalam, Cotabato.


Bago hinagupit ng buhawi ang dalawang Barangay ay umulan muna ng malakas at sinundan ng animoy bagyong hangin.


Suwerte namang walang nasaktan sa mga residente na agad nakapagtago.


Nagliparan umano ang mga yero at kahoy sa mga bahay na winasak ng naturang buhawi.


Maliban sa mga sinirang bahay ay binayo rin ang mga pananim ng mga magsasaka.


Nakatamda namang mamahagi ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga sinalanta ng buhawi.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page