15 fixer sa LTO, timbog
- BULGAR

- 1 day ago
- 1 min read
ni Jeff Tumbado @News | August 14, 2026

Photo: Ang isa sa 15 fixer na nambibiktima sa mga kliyente ng Land Transportation Office - Central Office sa Quezon City na dinakip sa entrapment operation nitong Miyerkules, Agosto 12, 2026. (Jeff Tumbado)
Inaresto ang 15 hinihinalang fixer sa serye ng entrapment operations ng Land Transportation Office (LTO), simula noong Lunes, Agosto 11, sa tanggapan nito sa Central Office, Quezon City.
Isinagawa ang operasyon sa ilalim ng direktiba ni LTO Chief Assistant Sec. Markus V. Lacanilao, sa pakikipag-ugnayan sa Kamuning Police Station 10 sa pangunguna ni Station Commander Lt. Col. Aljun Belista, Quezon City Police District at Philippine Coast Guard.
Nagsagawa rin ng clearing operation ang Quezon City Department of Public Order and Safety at ang LTO sa paligid ng compound ng ahensya upang alisin ang mga sidewalk vendor na pinaniniwalaang sangkot sa ilegal na serbisyo.





Comments