top of page
SHOWBIZ SPECIAL - ROMNICK- 54-ANYOS NA AKO, NAGBI-VIDEO GAMES PA RIN, WALA PA AKONG NASAKT

15-anyos, 4 na araw missing, natagpuang patay

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 18 minutes ago
  • 1 min read

by Jeff Tumbado @News | August 24, 2026



15-anyos natagpuan sa bakanteng lote sa Brgy. Matacla, Goa, Camarines Sur - Circulated, ABS-CBN

Photo: Bakanteng lote sa Brgy. Matacla, Goa, Camarines Sur - Circulated, ABS-CBN



Isang 15-anyos na dalagita na apat na araw nang nawawala ang natagpuang patay sa isang bakanteng lote sa Brgy. Matacla, Goa, Camarines Sur, noong Biyernes.


Alas-10:15 ng umaga nang matuklasan ng tatlong batang namimitas ng bunga ng amora o mulberry ang bangkay ng biktima sa Zone 3 ng barangay.


Kinilala ng mga awtoridad ang biktima sa alyas Rose, na nakasuot ng gray jacket at blue jogging pants.


Nakumpirma ng mga kaanak ang kanyang pagkakakilanlan batay sa mga tattoo sa kanyang katawan.


Ayon sa pulisya, huling nakita si Rose noong umaga ng Agosto 17 nang umalis siya sa bahay ng kanyang tiyahin at nagtungo umano sa Tigaon, Camarines Sur. Hindi na siya nakauwi nang gabing iyon.


Sinabi ng Police Regional Office 5 na una nang inakala ng tiyahin na maaaring nakituloy ang dalagita sa ibang kamag-anak, dahil nakagawian umano nitong bumisita o manatili sa bahay ng mga kaanak.


Sa paunang pagsusuri, walang nakitang malinaw na panlabas na sugat sa katawan ng biktima.


Gayunman, hindi isinasantabi ng mga imbestigador ang posibilidad na may foul play habang hinihintay ang resulta ng forensic autopsy.


Nailibing na ang biktima, ngunit nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Goa Municipal Police Station upang matukoy ang mga pangyayari bago at matapos siyang mawala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page