Search
  • BULGAR

13 u-turn slots sa EDSA, isasara

ni Twincle Esquierdo | September 20, 2020




Nakatakdang isara ang 13 U-turn slots sa edsa upang makagawa ng Bus lane, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Matatagpuan ang 13 U-turn slots sa Caloocan, Quezon City, Makati at Pasay City.

Ang mga U-turn slots sa Caloocan City ay sa General Tinio, De Jesus street/8th street left-turning, General Malvar at ang mga sasakyang maaapektuhan ay dapat lumiko sa Monumento Circle (northbound to southbound) at mula naman sa Balintawak Cloverleaf (southbound to northbound).

Mula naman sa nlex (North of Luzon) na patungo sa A. De Jesus/8th street, dapat dumiretso sa A. Bonifacio Avenue at lumiko sa kanan sa C3/sgt. Rivera St..

Gayunman, ang mga U-turn slots sa Quezon City ay sa Balintawak Market sa harap ng bpi bank, Kaingin Road sa tapat ng Nissan, Congressional lrt station sa harap ng panorama, Corregidor Intersection / Bansalangin, Quezon City Academy, North Avenue bago mag-mrt North Avenue Station at Santolan/Boni Serrano sa tapat ng Camp Crame.

Ang mga sasakyang maaapektuhan ay dapat lumiko sa Balintawak Cloverleaf (northbound to southbound), gayundin ang mga magmumula sa Quezon Avenue (southbound to northbound) upang makarating sa destinasyon.

Samantala, sa Makati City ay isasara ang U-turn slot sa Buendia sa ilalim ng Kalayaan flyover at ang mga sasakyang maaapektuhan na magmumula sa Guadalupe (southbound to northbound), gamit ang Buendia U-turn slot ay dapat umikot gamit ang service road /intersection ng edsa/Ayala Avenue patungo sa destinasyon.

Sa Pasay City, isasara rin ang U-turn slot sa p.celle at bago mag-Roxas Boulevard malapit sa Heritage Hotel. Ang lahat ng sasakyan na magmumula sa fb harrison (northbound to southbound) ay dapat dumaan sa ilalim ng Magallanes flyover at ang mga sasakyan mula sa southbound to northbound ay dapat dumaan sa moa Circle o signalized intersection.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.