Search
  • BULGAR

13 TV channels para sa distance learning, sagot ni Pacquiao

ni Ronalyn Seminiano Reonico | September 14, 2020




Sasagutin na ni Senator Manny Pacquiao ang gastusin para sa operasyon ng 13 TV channels na kinakailangan ng gobyerno para sa distance learning.

Pahayag ni Pacquiao, ang kanyang desisyon ay para sa mga estudyante mula sa malalayong lugar kung saan mahirap o walang access sa internet connection na kinakailangan para sa online learning.

Aniya, "Alam ko rin na hindi pa 100% coverage 'yang internet natin sa Pilipinas, kaya kahit may pambili ka ng laptop o gadget, hindi ka pa rin nakakasiguro na aabot sa 'yo ang mga aralin buhat sa DepEd.

"Sa tulong ng mga nasa industriya ng telecommunications, nagawan namin ng paraan para may magamit na 13 TV channels ang DepEd nang walang gastos sa gobyerno at mga estudyante. Kaya wala nang dahilan para hindi matuloy ang pag-aaral ng mga bata ngayong darating na pasukan.”

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.