top of page
SHEET - REKLAMO SA MTRCB VS. PBB, UMABOT NA SA 2,600_FB Ogie Diaz.jpeg

12 yrs. kulong, P600K multa sa child grooming

Writer: BULGAR
BULGAR
18 hours ago
1 min read

by Mervin Reyes @News | November 26, 2026



12 yrs. kulong, P600K multa sa child grooming

Photo: File



Inaprubahan na ng Kamara ang panukalang batas na magpapabigat sa parusa sa gender-based sexual harassment at magpaparusa sa grooming upang maprotektahan ang mga bata laban sa pang-aabuso.


Aamyendahan ng House Bill 11264 ang Safe Spaces Act o Republic Act 11313.

Sa ilalim ng panukala, papatawan ng hanggang 12 taong pagkakakulong at/o multang P300,000 hanggang P600,000 ang sinumang mapatunayang gumawa ng grooming, kahit hindi ito humantong sa aktuwal na pang-aabuso. Mandatory ang pagkakakulong kung nasa hustong gulang ang suspek at menor de edad ang biktima.


May multa namang P250K hanggang P500K para sa sexual harassment sa mga opisina, paaralan at training institutions.


Para sa mga opisyal at kawani ng gobyerno na nagtataguyod o naghihikayat ng sexual harassment at paggamit ng misogynistic, transphobic, homophobic at sexist slurs, pagmumultahin ng P100K hanggang P200K ang mga unang lalabag at sususpindihin nang walang sahod nang hindi bababa sa anim na buwan.


Sa mga mauulit na lumabag, maaari silang patalsikin sa puwesto at pagbawalang humawak ng anumang posisyon sa gobyerno sa loob ng hindi bababa sa limang taon.

Inaatasan din ng panukala ang mga online platform na alisin ang mapanirang content sa loob ng 24 oras.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page