Search
  • BULGAR

12 tips para makapasok sa Olympics

ni Nympha Miano-Ang - @Life and Style | February 5, 2021




Nakansela ang Tokyo Olympics noong 2020 at sa darating na Hulyo 2021 ay posibleng ituloy na ito sa naturang bansa kung sakaling umibayo na ang bakuna sa mga atletang galing sa iba't ibang dako ng mundo. Kahit wala pang pandemya noon, pangarap mo nang maging pinakamahusay na atleta sa mundo, matayog na pangarap ng sinumang sumasabak na atleta ang Olimpiyada.


Bawat bata ay nagsisimula sa paglangoy sa unang 100-meter freestyle o pagsipa ng malakas tungo sa goal sa football game at iniimadyin ang gold medal na isinabit sa kanyang leeg.


Kung mayroon kang superb genetic qualifications ika nga, taglay ang kagila-gilalas na mental at physical strength at kayang sumagupa sa matitinding training sa ilang taon at mahihigpit na kompetisyon, kasunod na nito ay ang pagwagayway ng bandila ng iyong bansa pagtapak mo sa podium.


1. Ngayon pa lang ay pumili ka na ng iyong sport. Alamin mong mabuti at gustuhin pa nang husto ang isang sport na napili mo. Ang pamilyar na sport ang iyong pipiliin pero isipin mong mabuti, ang mga popular na sports ay may milyon-milyong dedicated participants at sadyang napakahirap sumagupa. Ang hindi masyadong sikat na sport tulad ng speed skating, luge, figure skating, pentathlon ay kakaunti lang ang puwedeng makalaban kaya rito ay may tsansa ka.


2. Suriin mabuti ang katawan o iyong kondisyon at pumili ng sport na angkop sa iyo. Gaano ka man ka-dedicated, maliban kung may sobra kang kakayahan at bilis sa pagtakbo hindi ka magiging Olympic marathoner. Pero kung matangkad sa edad na 16, huwag kang mag-gymnast. Kumunsulta sa sports physiologist kung anong sport ang bagay sa iyo.


3. Maglaan ng maraming taon na mag-training sa iyong sport. Ngayong may pandemic, nauuso ang mga virtual trainings kaya diyan pa lang ay simulan na ang page-ensayo kahit nasa bahay lamang o bakuran. Palawigin ang lahat ng aspeto ng fitness, lakas at endurance, gawing pang-araw-araw na buhay o isabuhay ang crosstraining para maiwasan ang pagkabagot at injury.


4. Magtiwala sa iyong sarili. Kailangang handa lagi ang isipan sa anumang game. Maging matatag at matapang sa lahat ng aspeto, iwasang sumuko.


5. Dumalo ng sports academy kahit sa online virtual na lamang muna ngayon dahil wala pang mga pagtitipon. Ang mga iskul na ito ay may ibinigay na intensive training sa sport na ito hanggang sa high-school level. Ang karanasan, exposure at coaching na makukuha mo ang magkukuliwalipika sa iyo para mag-excel sa sport.


6. Pumili ng mahuhusay na coaches para umibayo pa ang skills. Kumuha ng sports psychologist para maitakda at maabot ang layunin. Kumuha rin ng pribadong coach na kung kailangan kahit na virtual lamang.


7. Lumahok sa national team ng sport at buong taon kang mag-training (walang pahinga ang Olympian). Gawin ang pinakamahusay para makapag-perform nang mabuti kahit sa pinaka-nakatitigatig na tensiyon at talunin ang lahat ng kalaban hanggang sa makabilang ka sa Olympic team.


8. Baguhin ang citizenship. Mas magiging madali na makuwalipika sa Pakistan sailing team kaysa sa U. S. team. Ang ibang bansa ay nanghihingi ng katibayan ng pinagmulan, tulad ng kung saan ipinanganak ang mga lolo’t lola.


9. Kahit pa lampas ka na sa edad 20, puwede ka pa ring magkaroon ng gold medal. Ang ilang sports tulad ng archery at shooting ay puwede kahit anong edad.


10. Mas magandang lumahok sa varsity schools, para magka-scholarship bonus at maging hakbang ito tungo sa matayog na pangarap sa Olympics, hintayin na lamang ang go-signal ng DOH-IATF kapag pinayagan na muli ang mga events.


11. Lumahok sa association o governing body ng iyong sport na pinili. Para mas informed ka sa mga major competitions, kabilang na ang Olympic trials.


12. Lumagi sa lugar na kilala sa sport na pinili mo kung swimmer, lagi ka dapat nasa swimming pool iyan ay kapag nag-normalize na ang sitwasyon, may bakuna na at nakokontrol na ang pandemya.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.